South Korean food porn: babae, yumayaman sa pagkain sa harap ng webcam!

5 Просмотры
Издатель
South Korean food porn: babae, yumayaman sa pagkain sa harap ng webcam!


Oh, yeah. Just like that, girl. Mmm-mmmm!

Si Park Seo-Young ay naghanda ng masarap na pagkain sa harap ng kanyang computer, sinet-up and kanyang webcam, at nagsimulang kumain...habang libo-libong mga tao ang nanonood. Ito ang bagong uso sa South Korea...gastronomic voyeurism, o food porn.

Si Park, na kilala sa internet bilang "the Diva," ay bino-broadcast ang kanyang show, kung saan siya ay kumakain sa loob ng kanyang maliit na apartment, nang halos tatlong oras bawat araw.

Bakit niya ito ginagawa? Pwede kasi siyang maka-chat ng kanyang mga fans, at magpadala ng virtual balloons, na pwedeng mapalitan ng cash. Ang trabahong ito -- kung pwede nga itong tawaging trabaho -- ay pinagkakakitaan ng dating management consultant ng lampas 9,000USD kada buwan.

Bago mong simulan ang iyong speech tungkol sa mga lalaking perverts sa Asia, wait lang --- karamihan ng viewers ni Park ay babae! May nagsabing nakakatulong ito sa mga kumakaing mag-isa. Kumbaga eh sa panonood ay feeling nila, may kasama silang kumakain.

Fun Fact: Ang estimation ay may 3,500 na taong nagbo-broadcast ng ganitong web shows, kung saan kumakain lang sila. May mga shows pa na sino-sponsor ng mga restaurants! Gaya ng paliwanag ni Park...


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Комментариев нет.
Яндекс.Метрика